Friday 28 August 2015

[ENTRY #2] Ang Mamimiss ko sa Dologon NHS | By Kaceybelle Lantaya

Ang bulaklak, puno at sariwang hangin
Ay tunay na hinding-hindi lilimutin
Ang mga magagandang mga tanawin
Siyang lubos na nakapagpasaya sa'kin


Maganda at masasayang ala-ala 

Namin nina Shang2x, Angel Grace at Zyra
Kaibigang tinuring na kapamilya
Kaibigang 'di ko ipagkakaila



Mga gurong tunay na hinahangaan

Mga estudyanteng talagang palaban
Mga pagsubok ay 'di inuurungan
Lalo na pagpoints ang pinag-uusapan



Mga babaeng kinikilig talaga

Sa puntong dadaan ang mga crush nila
Talagang mamimiss ang mga nagawa 
DNHS ay tunay na pinagpala



Sinulat ni: Kaceybelle Lantaya
Mula sa 8-Sampaguita
Dologon National High School

0 comments:

Post a Comment