Showing posts with label Poem Making Entry 2015. Show all posts
Showing posts with label Poem Making Entry 2015. Show all posts

Tuesday, 1 September 2015

[ENTRY #4] Munting Kasiyahan | By Daryl Nagac Munalem


Dito namugna ang aking kasiyahan,
na sa aking mga matay masisilayan,

D.N.H.S. ay isa kong kaibigan,

na gumagamot sa aking kalungkutan:

siya`y kaibigan nalaging sandalan,

sa buhay kong puno nang kapighatian.


Kung mga alaala ang pag-uusapan,
nang mga kasiyahang aking naranasan!
sisimulan ko ngayong ipagyayabang,
ang aking karanasang di mapantayan:
sa araw nayon ko siya nakilala,
isang babaeng sa mata ko`y dakila;

Ang araw nayon ay buwan ng hunyo!
ang buwan kung kailan nag aral dito!
sa mismong araw nayon ako`y natuto:
nang mga aral na sa aki`y itinuro
"salamat sa iyo oh! dakilang guro!"
sigaw nang nagpapasalamat kong puso.

Sa lahat ng mga guro`t mga kaibigan ko!
at dito sa mumunting paaralan ko!
salamat,salamat,salamat, sa inyo,!
hanggang dito nalang tong munting tula ko,
naway naib-gan at nagustuhan niyo,
ang tula kong nagmula sa aking puso.



Sinulat ni: Daryl Nagac Munalem
Mula sa 9-Acacia
Dologon National High School

Read more…

Friday, 28 August 2015

[ENTRY #1] Ang Masasayang Ala-ala ko sa Dologon NHS | By Resvia James Gaston


Paaralang Dologon National High School
Lahat ng estudyante ay naghahabol
Laging naiiwan ang nagbubulakbol
Kaya sungay nila ay pinuputol


Marami akong masayang ala-ala
Lalo na't kasama ang mga barkada
Dito sa paaralan na secondary
Kasi hanggang langit ang ligaya



Sa aking kapwa kong mga estudyante
Mga guro natin ay ang importante
Ni hindi tayo kalian man magsisisi
Dahil tinuturo nila ay mabuti



Hindi tayo kailanman mag-aalangan
Na tayo'y pumasok sa silid-aralan
Dahil dito mapagkakatiwalaan 
At ang kinabukasan mapaghandaan



Kahit ng ngayon ay patapos na ako
Sana ay naiinganyo kayo dito
Sa ganda ng paaralang gaya nito
Sa pagsulat ng tula kagaya ninyo


Sinulat ni: Resvia James Gaston
Mula sa 8-Sampaguita
Dologon National High School

Read more…

[ENTRY #2] Ang Mamimiss ko sa Dologon NHS | By Kaceybelle Lantaya

Ang bulaklak, puno at sariwang hangin
Ay tunay na hinding-hindi lilimutin
Ang mga magagandang mga tanawin
Siyang lubos na nakapagpasaya sa'kin


Maganda at masasayang ala-ala 

Namin nina Shang2x, Angel Grace at Zyra
Kaibigang tinuring na kapamilya
Kaibigang 'di ko ipagkakaila



Mga gurong tunay na hinahangaan

Mga estudyanteng talagang palaban
Mga pagsubok ay 'di inuurungan
Lalo na pagpoints ang pinag-uusapan



Mga babaeng kinikilig talaga

Sa puntong dadaan ang mga crush nila
Talagang mamimiss ang mga nagawa 
DNHS ay tunay na pinagpala



Sinulat ni: Kaceybelle Lantaya
Mula sa 8-Sampaguita
Dologon National High School

Read more…

[ENTRY #3] Ang Mamimiss ko sa DNHS | By Angel Grace E. Ritardo

Dologon National High School ang paaralan
Dito nag-aaral ang maraming kabataan
Mga guro dito ay mapagkakatiwalaan
At nagsisilbing aming ikalawang magulang


Sa pagpasok mo palang sa tarangkahan

Siguradong luluwa ang iyong mata sa kagalakan
Dahil ang mga tao ay napakagalang 
At sila ay may magandang kalooban


Kahit saan ka tumingin 

Siguradong ika'y aakitin
Kagandahan ng mga tanawin
Siguradong ang malalanghap ay sariwang hangin



Ikaw ang nagbibigay ng kaalaman

Nitong aking munting isipan
Hinding-hindi kita makakalimutan
Saan man ako mapadpad ika'y aking babalikan



Sinulat ni: Angel Grace E. Ritardo
Mula sa 8-Sampaguita
Dologon National High School

Read more…