Tuesday, 1 September 2015

[ENTRY #4] Munting Kasiyahan | By Daryl Nagac Munalem


Dito namugna ang aking kasiyahan,
na sa aking mga matay masisilayan,

D.N.H.S. ay isa kong kaibigan,

na gumagamot sa aking kalungkutan:

siya`y kaibigan nalaging sandalan,

sa buhay kong puno nang kapighatian.


Kung mga alaala ang pag-uusapan,
nang mga kasiyahang aking naranasan!
sisimulan ko ngayong ipagyayabang,
ang aking karanasang di mapantayan:
sa araw nayon ko siya nakilala,
isang babaeng sa mata ko`y dakila;

Ang araw nayon ay buwan ng hunyo!
ang buwan kung kailan nag aral dito!
sa mismong araw nayon ako`y natuto:
nang mga aral na sa aki`y itinuro
"salamat sa iyo oh! dakilang guro!"
sigaw nang nagpapasalamat kong puso.

Sa lahat ng mga guro`t mga kaibigan ko!
at dito sa mumunting paaralan ko!
salamat,salamat,salamat, sa inyo,!
hanggang dito nalang tong munting tula ko,
naway naib-gan at nagustuhan niyo,
ang tula kong nagmula sa aking puso.



Sinulat ni: Daryl Nagac Munalem
Mula sa 9-Acacia
Dologon National High School

Read more…